Aaronautics is the study of the writings, analysis, critique and sometimes, mixed-rice-way of putting words together by a simple but sensible 21-year-old guy named Aaron. While the term means "science of Aaron," it transcends beyond sole science and better be called the "art called Aaron" to whom all blessings-- beautiful and molded just right for him-- are endowed by his Creator who, in fact, is the Master Artist.

One of the significant parts in Aaronautics is a branch of science called aarodynamics, which deals with the way Aaron interacts with the people around him through conversations, chat, blogs, or even in a deeper way of interaction, friendship.

Monday, December 03, 2007

My Best Friend Ever

Saturday, September 22, 2007


Wednesday, September 19, 2007

NICE FILM

Tuesday, September 18, 2007

<------This one reminds me not to be conceited. Coz i am... or perhaps, i was..... :)

Monday, September 17, 2007

RAPTURE
Are you ready for it?

Sunday, September 16, 2007

Here I am

Drought so severe
I can't help it anymore

So I pray my God
for your healing touch
and I pray that You flood me
with Your grace and mercies
Your generous love
Amazing love
Eternal faithfulness
God of glory
I'm thirsty Lord,
flood me with Your joy.

Scary stories naman. Just last year when we were still residing at Ninong Osmundo Street in BF Caloocan, we had scary experiences (well, scary for some but i was not scared anyway). When I was young, I used to watch the Undas episodes of Magandang gabi Bayan and nakakatakot talaga stories and how they make the extras look so scary. Asteeg ang makeup and effects, in fairness. haha. Yung mga stories about white ladies, pugot na ulo and stuff... but now, kahit buksan ko ang cabinet ko or maiwan ako sa kuwarto mag-isa, magpakita man ang isang white lady, hindi talaga ako natatakot. Well, siguro kung makakakita ako ng pugot na ulo, kilabutan pa ako. Pero kasi, i guess this is the difference when you know what to do. You just cast them out in Jesus' mightiest name and they'll flee agad. For readers who are not familiar about this, demons and bad spirits tremble in the name of Jesus. It's written in the Bible. So back to Ninong Osmundo. One night, sa kuwarto ni mama, mga 3am siguro, pumasok raw ako sa room tapos lumabas din pero di sinara ang pinto. Edi siempre, nainis si mama at pinuntahan ako sa room ko and she found me sleeping.... mahimbing ang pagkakatulog ko. So who went to her room? hahahahahaha. Well, si papa rin may nakikitang babae sa isang abandoned house sa likod ng bahay namin. Scary na ba.... well... natatawa lang ako pag nakakabasa. Hindi talaga ako natatakot when I hear stories about this. Anyway....

Mousing all night............. rest aa, rest! haha

Thursday, August 30, 2007

SIGAW NG PUSO

Hindi ko maintindihan
Kayraming bagay ang nais kong itanong
Alam kong kaya mong sagutin

Hindi matahimik at makahimlay
Ang aking isip at damdamin
Itong aking puso, hanap ay ikaw

Koro:
O Diyos, ikaw ang laging hanap
Lungkot ang bumabalot
Sa tuwing ako’y nalalayo sa Iyo
O Diyos, ang puso’y nalulumbay
Hanap-hanap ang pagkalinga mo
Panginoon, ito’ng sigaw ng aking puso

Koda:
Panginoong Jesus
Ang bawat paghinga
At pagpintig ng puso ko
Nagmula lamang sa’Yo
Ikaw ang may likha
Ikaw ang lumalang
Ikaw ang nararapat na sundin

His Glory

A million miles is not enough to reach your glory Lord.
A multitude of words is not sufficient to proclaim Your greatness.
A thousand melodies of heart-filled worship I give
to the King and Lord of glory.
The magnitude of His greatness extends to infinite awe.
No words can perfectly describe Him.
Lord, I am in awe of you.

August 2006
_______________________________________________

Kaibigan at Kaibigan

mahirap mahulog sa isang kaibigan lalo pa't di mo mapigilang malimutan siya..
na sa tuwing nandyan siya, parehong ligaya at lungkot ang iyong nadarama..
na sa tuwing nandyan siya, laging nakakpanghinayang ang pagkakataong mahagkan mo siya, di na bilang kaibigan kundi KA-ibigan. Pero kung man talaga mangyari yun, kahit paano.. KAIBIGAN pa rin. Hindi naman nagbago ang spelling. Siguro di niya mabago ang feeling.

August 2006
_______________________________________________

The Creator

The earth resounds with praise.
The heavens sing Your majesty.
The waters roar and shout Your great and awesome power.
All of creation shall sing praises and shall worship the Creator of all the universe.
Thunders and lightnings shall sound and flash forth, the sun and stars shall bow down,
and Your people will declare that You are God!
From everlasting to everlasting, You are God!
Hallelujah! Hallelujah!

September 6, 2006
8:53am
__________________________________________________

Larawan at Pagkakaibigan

Lumilipas ang mga larawan subalit ang mga alaala ay hindi magmamaliw.
Parang pagkakaibigan, naikukulong ang bawat ngiti sa kuwadro ng larawan
pero darating ang panahon na mawawala sila sa tabi mo.

Kanya-kanyang buhay at mga pangarap

Bagong kaibigan at kahalakhakan

Itatabi ko ang mga larawan.
Maaaring kumupas din ang mga iyon
pero ang mga alaala ng ating pagkakaibigan,
mananatili sa akin magpakailanman.

Ang Diyos ang nagtakda ng ating pagkakaibigan.
Siya rin ang tanging nakababatid ng panahon ng paglisan.

Pero ngumiti ka aking kaibigan, malinaw pa ang ating mga larawan.

December 2006
______________________________________________________

Parola

Alam ko na ang gusto kong gawin.

Umakyat sa parola, pagmasadan ang kalawakan ng langit kung saan inuugoy ng hangin ang mga ulap; at maaliw sa pakikipaglaro ng habagat sa dagat...lakas ng hangin nun!
Tapos tatalon ako mula sa napakataas na parola pero di ako mahuhulog dahil sasaluhin ako't tuturuang lumipad ng Dakilang Lumikha at sasamahan Niya akong liparin ang kalawakan ng buhay.

Gusto ko na lumipad. Gusto mo sumama?

Tugon ni Sarah:

Hindi.
Mas gusto kong manatiling nakatapak ang aking mga paa sa lupa.
Mas gusto kong nararamdaman ng aking mga paa ang masaganang tubo ng luntiang damo. Lalo na kung umaga, mamasa-masa ang sariwang hamog sa mga damo na dulot ng bagong umaga na biyaya ng Lumikha!

Tugon ni Aa:

Siya nga?
Kung gayon ay makikisaya muna ako sa'yo sa luntiang paligid at takbuhin ang mga libis ng buhay. Tiyak na kapiling din natin ang Lumikha sapagkat di naman Siya lumayo kahit minsan.

Pero lilipad din ako pagkatapos.

Tugon ni Sarah:

Sige. Pagsapit ng umaga'y tatakbuhin natin ang parang. Mamimitas ng mga prutas at bulaklak. Palilipasin ang maghapon na puno ng galak.
Pagdating ng hapon, ikaw'y ihahatid sa pinakamataas na pook na maaabot ng ating paglalakad. Mula doon, ikaw ay muling lilipad. Sa iyong paglipad, sasabayan na lamang kita ng tingin kasama ang aking naisin na maabot mo ang iyong hangarin.
Katulad ng iyong sinabi, ang Lumikha ay ating kapiling saan mang dako tayo makarating.

Tugon ni Asta:

Nalulula ako.

Masasabayan mo kaya ako?
Sa bawat yabag ng aking puso, katumbas nito'y pintig ng aking mga ugat.
Halika...abutin mo ang kaing mga palad.

(paumanhin sa aking pamamatnugot)
December 27, 2006
______________________________________________________________

Bikeride

I want to bikeride. Go the plains and just feel the gentle breeze. Be relaxed by the sweet scent of the air. Then I'll go faster and jump off from my bike and throw myself to the rich sunflower garden and daffodils soft! Then I'll look up to the sky and watch as clouds go by...then the rain falls. I'll jump and dance with the rain! Run the slope and go to the hills and climb the highest mountain. And I'll talk to my Creator.

I am in awe of You.

From there, I will jump to the vast blue sea and explore the ocean with its colors neon and bright! Then I will soar high to the clouds, ride on it and wake up.

I'm back.

Asta replies:
I will skid hard and jump towards the moon where I will float as if God is lulling me and then we will have ice cream so sweet and cold at Saturn's rings.

Sarah replies:
Aren't you going to exhaust yourself? Of all the things you wanted to do, one thing you forgot is to rest and savor the simple things around you. Yes, you want to enjoy the sweet scent of the air and the gentle breeze it brings; the lush green lands with soft daffodils growing; the vast blue sea and azure sky above. But what about taking some rest? You also need rest for you to enjoy another day's adventure.

(pardon my editing)
December 28,2006
____________________________________________________________

Musikabanggi!

Mainam!
Kaysarap pakinggan
ang himig ng hangin
awitan ng mga kuliglig
kiskis ng mga dahon
koro ng mga insekto ng banggi
at huni ng mga ibon.
Isama mo pa ang bulong ng hangin
at damhin ang simoy nito.
Pakinggan mo ang musika ng kalikasan
na inoorkestra ng Dakilang Lumikha.
Kay-inam!

December 28, 2006
______________________________________________________________

The Demander

How many times have I been taken for granted? Just though of, talked with and laughed with when they need me. Yes, I care for them. But did they even care to ask me what I need, what I feel, or if I'm okay or did bother to say hi?

I may seem fine.
I may look okay.
But I'm not.
I am a simple guy longing for your sincere attention.

Nasasaktan din ako. Naghahanap din ako ng makikinig sa akin.

December 29,2006
_________________________________________________________________

Precious Tears
Para sa Isang kaibigang
hindi nahihirapang ilabas ang kanyang mga luha

I know someone
His tears could flow like a river
Could flow like a melting candle
He could also fill a jar of his precious tears
But I admire his sensitivity, soft heart and easy tears
I cant' cry easily like him.
I cant feel his sadness, hurt and pain
But I'm sure those tears have a spring
from where they overflow.
Share me tears, share me spring
of overflowing emotions
But I know,
I'll learn to let them out and flow too..
Like a stream...
a stream of precious tears
But not forever.
______________________________________________________________

Luha at Ulan
Kung ang ulan ay luha
At bawat patak nito'y emosyong nag-umapaw
Mula sa ulap ng lumbay...
Sana'y bumuhos pa
at bahain ang aking mga palad na naghihintay
na mahagkan ang luhang
kaytagal niyang hinintay
Bumuhos ka pa hanggang malimot ko
ang hapis ng kahapon
at ang lumbay ng kasalukuyan.
Lunurin mo ako at lasingin sa ligaya ng pagbuhos mo
Habang nililisan ng ulan ang mabigat na ulap
ng lungkot, ng hapis, ng lumbay.

________________________________________________________________

Ang Umibig
May mga raw na nalulunod ka sa lumbay.
May mga araw na gusto mo umiyak na parang ilog
May mga sandaling gusto mo suyang mahagkan
pero di mo magawa.
Pero mas maigi nang umasa kesa walang gawin.
Ang umibig, matamis at masakit kung minsan.
__________________________________________________________________

Like the Rain
Like the rain,
I just wish that my tears
would fall as well
Because just like the rain
when not poured out,
emotions might swell too
and pour its strongest.
Sana ang luha ko
bumuhos gaya ng ulan
tapos ok na.
May araw naman
pagkatapos ng malakas na sigwa
___________________________________________________________

Let Me Fly with You

If only I could fly… leave this town and cry
Leaving everything for a while
I don’t want to spend my time crying desperately
As if I’m losing everything I have
As if I’m losing myself, my identity
I’m even tired of walking this long road
My feet start to hurt and my heart is crying so hard
My mind wants to rest…
So fly me high to the sky
Let me soar like the eagle
Let me ride the clouds so light
And embrace the radiance of Your light.
I wanna fly (soar high)
I wanna fly (so light)
Let me fly with You.
My eyes are overflowing with tears
Like rivers in a scorching zone
I wanna dream like I can do everything
But I know its impossible if only by myself, that’s true
I can do little but I know I can do everything with You.
So I come to You and talk to You
Crying desperately and opening up my heart
Lifting up my concerns..
Lord, please draw out all these pain and sorrow
All the heartaches inside
God, You are my hope.
God, You are my only hope

PARANG ROTONDA, PAIKOT-IKOT
Isang Pagbasa sa Rotonda
Aaron G. Laylo

Parang rotonda, paikot-ikot. Ang araw at gabi, nagpapalitan, umuulit, paikot-ikot. Ang mga buhay ng tao sa mga sulok at eskinita ng Rotonda, paikot-ikot. Ika nga ng isang karakter sa pelikula, pare-pareho lang. Subalit sa bawat pag-ikot, sadya nga bang pare-pareho lang na nalulunod sa dagat ng mga suliranin ang mga karakter sa pelikula? Sa pag-ikot ng kanilang mga pakikipagtunggali sa isang malaking gilingan ng populasyon, nagkakatugma ang kanilang mga karanasan pero sa iba't ibang paraan. Sa isang bahagi ng maalikabok, maingay at masukal na gubat ng kalunsuran, samu't saring karakter ang may tanikalang ugnayan, pare-parehong naghahanap ng paraan para takasan ang mga suliranin nila.
Isang desperadong manunulat, nakilala ang isang puta na nais tulungan ang kapatid na umahon sa pagkakasadlak sa kahirapan, isang dating pulis na nais maghiganti, isang dalagitang gala at ligaw sa buhay, at isang binatang puno ng pagtitimpi sa loob para sa kanyang ama: mga karakter na nagkaugnay-ugnay ang istorya at pinagpasapasahan ang sanglibong pisong bill na may butas
Sa bawat karakter, nailahad ni Bryant ang maraming mukha ng kahirapan at tunggalian sa lipunan subalit sa isang pader lamang. Hindi ito tumawid sa kawalan ng balanse sa antas ng lipunang kinabibilangan. Inilahad sa pelikula ang masukal na mundo ng Rotonda, larawan ng mausok, maingay, magulo, at abalang bahagi ng lipunang Pilipino na tila araw-araw hinaharap ang suliranin ng kahirapan. Kung minsan pa, hindi maharap kundi tinatakasan o kaya'y idinaraan ng tao ang paglaban sa problema sa pamamagitan ng paghihiganti na sa huli'y siya rin ang talunan. Ito marahil ay bunga ng dambuhala at lalong lumalaki pang mga suliranin sa lipunan. Dahil dito, ang lipunan ay higit na nagiging komplikado. Sa una pa lang naman, talagang komplikado na ang lipunan. Ito ay sanga-sanga, ugnay-ugnay at lagi't laging may tunggalian. Sapagkat hindi hinaharap ang tunay na sanhi ng kahirapan at poot. At sakaling patuloy nilang tanggihan ang kasagutan, tulad ng sa pelikula, sila ay lalamunin ng kamatayan.
Isang kritisismo, tulad ng maraming indie films sa Pilipinas, ang Rotonda ay madilim (pisikal na presentasyon) at may masalimuot na istorya. Sa aking palagay, hindi naman dahilan ang kawalan ng budget para magkaganito ang presentasyon ng pelikula sa aspeto ng pisikal na anyo. May mga indie film din namang puno ng liwanag ang bawat eksena bagamat naihahayag ang realidad sa lipunan. Kindi lahat ng realidad sa lipunan ay pangit at madilim. May liwanag ding nakatago sa bawat sulok ng eskinita.
Kailangan ba talagang ipakita ang pumping scene? Para saan pa? Maaring ipakita ang hinagpis at panandaliang pagtakas sa suliranin sa ibang paraan. Naiintindihan kong ang indie fils ay arts film. Pero hindi malaking ambag ang isang eksenang hindi makadaragdarag ng malaking kabuluhan at kintal para sa daloy ng istorya.
Bakit lahat yata ng pulis sa pelikula ay masama ang karakter? Si Dimalanta na nagmolestiya sa kapatid ni Raquel at bumili ng baril sa isang pulis na nangmolestiya rin sa isang nahuling may ipinagbabawal na gamot, gayundin ang ama ni Chito na abusado at diktador. Lahat sila'y inilarawan sa pelikula bilang mga taong ginagamit ang lakas sa maling paraan. Pero bakit puro pulis?
Sa kabilang banda, mainam na ginamit na larawan at tulay ang karakter ng pulubing wala sa katinuan. Larawan ito sapagkat siya ay larawan ng kahirapan: madumi at puno ng kalituhan. Tulay siya dahil naipaparating nito sa manonood ang ilang mahahalagang aspeto sa ilan ding karakter. Halimbawa, ang runaway girl na 'patapon' ay nandidiri sa isang pulubing wala sa katinuan. Kung tutuusi'y tulad din siya ng huli, 'wala sa tamang katinuan.' Ligaw. Lito. Hindi matino. Isa pang halimbawa ay nang nakasadlak na sa basura si Dima, niyakap ito ng pulubi. Sa eksenang ito, pareho silang nagmistulang 'nabasura' ang buhay. Ang tingin sa kanila'y panggulo lamang sa namamayaning pamamayagpag ng naghaharing-uri. Parang pulubing itinaboy na parang basura. Pare-pareho sila. Basura nga ba sila o nabasura, gaya ng maraming hindi naabot na bahagi ng lipunan? Sana huwag silang tratuhing basura ng lipunan. Sayang ang buhay nila.
Paikot-ikot, parang rotonda. Maingay, magulo, masukal, (mabaho), mausok, parang Rotonda. Mga nilalang na may buhay, paikot-ikot. Mga mamamayan ng lipunan, ugnay-ugnay. Ang indibidwal, may opsyong piliin ang makabuluhang buhay sa ikot ng buhay o idulas ang sarili sa basura, kawalan at kamatayan.